Nang iwanan ni Placido Penitente ang unibersidad ay nakaramdam siya ng labis na suklam sa sa prayleng tagapagturo sa UST na nagsasamantala sa kahinaan ng loob ng kanilang mga mag-aaral. Sa pagdating naman niya sa kaniyang tinutuluyang bahay ay nadatnan ang kaniyang ina na nangangaral na maging mapagtimpi sa mga pagmamalabis na ginagawa sa kanila ng mga alagad ng kolonyal na simbahan.
Nilayasan ni Placido ang kaniyang ina upang magpalipas ng sama ng loob at dito niya nakatagpo si Simoun at isinama siya sa kalye Iris at doon niya natuklasan ang lihim na paghahanda ni Simoun para sa isang magaganap na pag-aalsa. Dito ay pinalabas ni Rizal ang isa sa kaniyang matandang tauhan sa Noli Me Tangere - ang maestro ng San Diego, na nasa anyo ng isang manggagawa ng paputok.
Ang diyalogo sa isipan ni Simoun sa huling bahagi ng kabanata ay pagtatalo ng kaniyang isipan sa katumpakan o hindi ng magaganap na himagsikan na kaniyang paninimulan.
Isang malaking ko-insidente na ang lugar ng kalye Iris na tinutukoy dito ni Rizal ay ang kasalukuyang University Belt ng Pilipinas at sa halos ang dulong kanluran ng nasabing kalye ay ang Paseo Azcarraga, kung saan itinatag ng mga PIlipino ang KATIPUNAN.PAKI-CLICK PO ANG LINK NA ITO PARA SA KABUUAN NG PAG-AARAL KABANATA 19
No comments:
Post a Comment