Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa ginawang piging ng mga mag-aaral sa panciteria upang ipagdiwang ang kabiguan ng kanilang panukalang pagtatayo ng isang akademiya ng Wikang Espanyol.
Sa pag-aaral na ito ay inaanyayahan ko kayo na pansinin mula sa mga ginawang anotasyon ang NILUTONG ULAM NI RIZAL sa Panciteria Macanista de Buen Gusto.
MASASABI KO NA SI RIZAL AY ISANG MAHUSAY
NA KUSINERO NG MGA MAPANGHIMAGSIK NA KAISIPAN.
PAKI-CLICK PO ANG LINK NA ITO PARA SA KABUUAN NG PAG-AARAL SA KABANATA 25
Saturday, February 18, 2012
Sunday, January 29, 2012
KABANATA 24 - MGA PANGARAP
Ang kabanata 24 ay isa sa mga mapagbunyag na kabanata ng El Filibusterismo:
alamin kung bakit?
PAKI-CLICK PO ANG LINK NA ITO PARA SA KABUUAN NG PAG-AARAL SA KABANATA 24
alamin kung bakit?
PAKI-CLICK PO ANG LINK NA ITO PARA SA KABUUAN NG PAG-AARAL SA KABANATA 24
Tuesday, January 24, 2012
KABANATA 23 - ISANG BANGKAY
Isang pag-aakala ko noon na ang katagang "Ang Relihiyon ay Opyo ng Masa" ay mula sa mga sinaunang Marxista na nakarating sa Pilipinas noong 1900's. Subalit sa kabanatang ito ni Rizal ay ilalarawan at ipaparamdam ni Rizal ang papel ng relihiyon bilang isang opyong panlipunan.
Nakapangingilabot na maunawaan, na ang mga panulat ni Rizal ay parang isinalansan sa isang naka-komplikadong pamamaraan na tanging ang mga katulad ninyo na nagtitiyaga ang makakaunawa.
PAKI-CLINK PO ANG LINK PARA SA KABUUAN NG PAG-AARAL SA KABANATA 23Friday, January 20, 2012
KABANATA 22 - ANG PAGTATANGHAL
Pagkatapos kong pag-aralan at isulat ang mga anotasyon sa kabanatang ito, itinuturing ko ito na ang mayroon maraming mga malaswang pahiwatig sa kabuuan ng mga sinulat ni Rizal. Isang pagkukuwento ng kalaswaan na naitago ni Rizal sa pamamagitan ng kaniyang husay at ganda sa panulat.
PAKI-CLICK PO ANG LINK NA ITO PARA SA KABUUAN NG PAG-AARAL SA KABANATA 22
PAKI-CLICK PO ANG LINK NA ITO PARA SA KABUUAN NG PAG-AARAL SA KABANATA 22
Thursday, January 12, 2012
KABANATA 21 - TIPO NG MGA TAGA-MAYNILA
Ang kabanatang ito ang isa sa personal kong paborito sa El Filibusterismo - ito ay sa dahilang nagawa ni Rizal na ipakita ang mga tipo ng mga tao na naninirahan sa Maynila sa pinakamalupit na anyo ng paglalarawan na hinaluan niya ng malabis na katatawanan.
PAKI-CLICK PO ANG LINK NA ITO PARA SA KABUUAN NG PAGAARAL SA KABANATA 21
PAKI-CLICK PO ANG LINK NA ITO PARA SA KABUUAN NG PAGAARAL SA KABANATA 21
Tuesday, January 10, 2012
KABANATA 20 - ANG PONENTE
Si Don Custodio ay isang tauhan na nilika ni Rizal sa El Filibusterismo upang kumatawan sa isang opisyal ng kolonyal na gobyerno ng Espanya noon sa Pilipinas.Sa pamamagitan ng pagsasalaysay ni Rizal sa kabanatang ito ay nagawa niya na ipakita ang kahinaan at katatawan sa anyo ng kaisipan ng mga tipikal na mga pinuno ng pamahalaan sa panahong iyon at nailantad rin ni Rizal ang kapalpakan ng pamahalaan.
Nakakalungkot na mahigit ng isandaan taon na ang nakalipas, sa kabila ng maraming mga pagbabago sa Pilipinas ay nanatili pa rin na maraming mga gagong pulitiko sa Pilipinas na katulad ni Don Custodio.

PAKI-CLICK ANG LINK NA ITO PARA SA KABUUAN NG PAG-AARAL SA KABANATA 20
Wednesday, January 4, 2012
KABANATA 19 - ANG MITSA
Nang iwanan ni Placido Penitente ang unibersidad ay nakaramdam siya ng labis na suklam sa sa prayleng tagapagturo sa UST na nagsasamantala sa kahinaan ng loob ng kanilang mga mag-aaral. Sa pagdating naman niya sa kaniyang tinutuluyang bahay ay nadatnan ang kaniyang ina na nangangaral na maging mapagtimpi sa mga pagmamalabis na ginagawa sa kanila ng mga alagad ng kolonyal na simbahan.
Nilayasan ni Placido ang kaniyang ina upang magpalipas ng sama ng loob at dito niya nakatagpo si Simoun at isinama siya sa kalye Iris at doon niya natuklasan ang lihim na paghahanda ni Simoun para sa isang magaganap na pag-aalsa. Dito ay pinalabas ni Rizal ang isa sa kaniyang matandang tauhan sa Noli Me Tangere - ang maestro ng San Diego, na nasa anyo ng isang manggagawa ng paputok.
Ang diyalogo sa isipan ni Simoun sa huling bahagi ng kabanata ay pagtatalo ng kaniyang isipan sa katumpakan o hindi ng magaganap na himagsikan na kaniyang paninimulan.
Isang malaking ko-insidente na ang lugar ng kalye Iris na tinutukoy dito ni Rizal ay ang kasalukuyang University Belt ng Pilipinas at sa halos ang dulong kanluran ng nasabing kalye ay ang Paseo Azcarraga, kung saan itinatag ng mga PIlipino ang KATIPUNAN.PAKI-CLICK PO ANG LINK NA ITO PARA SA KABUUAN NG PAG-AARAL KABANATA 19
Tuesday, January 3, 2012
KABANATA 18 - MGA KADAYAAN
Ang pagtatanghal ni Mr. Leeds ng espinghe/sphinx sa perya sa Quiapo ay
isa sa mga enigmatikong kabanata sa mga mag-aaral ng El Fili. Isinagawa
ko ang pag-aaral ng anotasyon ng kabanatang ito sa nobela, upang ipaliwanag ang mga kadayaan/trickery na ginamit sa pagtatanghal.
Maging ang mga lihim na kahulugan ng usapan, partikular na ang mga malinis na phiwatig na seksuwal ni Rizal sa kabanata.
Maging ang mga lihim na kahulugan ng usapan, partikular na ang mga malinis na phiwatig na seksuwal ni Rizal sa kabanata.
PAKI CLICK PO ANG LINK NA ITO PARA SA KABUUAN NG PAG-AARAL SA KABANATA 18
KABANATA 17 - PERYA SA QUIAPO
Ang
kabanata PERYA SA QUIAPO ay isa sa mga hindi napapansing bahagi ng
kabanatang ito ay ang mga konsepto ni Rizal sa sining na ang ilan ay
kaniya mismong nilikhang iskultura. Isang panawagan ni Rizal na ang
sining ay maaring gamitin bilang instrumento sa pagpapalaya ng kaisipan
ng mga Pilipino.
Adbanse ng 100+ taon si Rizal sa pagtatanghal
ni Mideo Cruz ng kaniyang kontrabersiyal na sining na POLETEISMO na
binatikos ng mga taong sarado ang isipan. Ang
PAKI-CLICK PO ANG LINK NA ITO PARA SA KABUUAN NG PAG-AARAL SA KABANATA 17
Monday, January 2, 2012
KABANATA 16 - KAPIGHATIAN NG ISANG TSINO
Ang GAWAD CARLOS PALANCA ang itinuturing na pinaka-prestihiyosong karangalan sa literatura ng Pilipinas. Subalit sa kabila ng maningning na pangalan ay makikita na inilarawan siya ni Rizal sa hindi magandang kalagayan bilang isa sa mga pangunhahing sanhi ng korupsiyon sa lipunang Pilipino sa mga huling dekada ng ika-19 na siglo. Ito ay sapagkat si Carlos Palanca ang siyang pinaghanguan ng isang tauhan ni Rizal sa El Filibusterismo na si Tsino Quiroga.
Inaanyayahan ko po kayo na basahin ang mga anotasyon na nagpapaliwanag sa mga kaganapan noon sa Pilipinas mula sa mga tagpo ng kabanata.
PAKI-CLICK PO ANG LINK NA ITO PARA SA KABUUAN NG PAG-AARAL SA KABANATA 16

KABANATA 15 - SI SENOR PASTA
Si Senor Pasta ay isang likhang tauha ni Rizal na hango sa isang sikat na abogado sa Maynila noong kaniyang kapanahunan. Nilapitan siya ni Isagani upang hingian ng tulong para itaguyod ang simulaing kilusan ng mga mag-aaral na magtayo ng isang akademiya na magtuturo ng wikang Espanyol. Subalit tinanggihan ng abogado ang nasabing paki-usap dahilan sa kaniyang personal na kapakanan at hindi nilingap ang isa sa itinuturing na mungkahi ng mga kabataan.
Ang kabanatang ito ay nilagyan ng anotasyon upang ipaliwanag ang mga simbolismo, at mga suliraning panlipunan na tinatalakay sa pag-uusap nina Isagani at Senor Pasta.
PAKI-CLICK PO ANG LINK PARA SA KABUUAN NG PAG-AARAL SA KABANATA 15

KABANATA 14 - SA BAHAY NG MGA ESTUDYANTE
Sa kabanatang ito ay binigyan tayo ni Rizal ng isang pagkakataon na makita mula sa kaniyang paglalarawan ang bahay paupahan na tinitirhan ng mga mag-aaral sa taong 1880's. Makikita na ang karamihan sa mga kaugalian ng mga mag-aaral sa panahon ng kanilang paninirahan bilang mga estudyane ng Maynila.
Ang pinakamahalagang bahagi rito ng kabanata ay ang pag-uusap ng mga mag-aaral sa kanilang simulain na itaguyod ang isang akademiya na magtuturo ng wikang Espanyol, sa kanilang mga usapan ay mababasa ang mga kabulukan ng pamahalaang kolonyal.
PAKI-CLICK PO ANG LINK PARA SA KABUUAN NG PAG-AARAL SA KABANATA 14

KABANATA 13 - KLASE SA PISIKA
Ang
kabanata ay isang pagbubunyag ni Rizal sa makalumang at walang kalayaang
sistema ng edukasyon na namamayani sa nag-iisang unibersidad sa
Pilipinas sa buong panahon ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas.
Nilagyan po ng anotasyon ang mga mahalagang pananalita upang maunawaan ang mga simbolikal at historikal na binabanggit ni Rizal.
PAKI-CLIK PO ANG LINK NA ITO PARA SA KABUUAN NG PAG-AARAL SA KABANATA 13

KABANATA 12 - PLACIDO PENITENTE
Sa kabanatang ito ay unang palilitawin ni Rizal ang isa sa mga kaniyang mahalagang tauhan sa El Filibusterismo na si Placido Penitente. Ang paglalarawan ng kapaligiran ng Maynila/Intramuros hanggang sa kapaligiran ng Unibersidad ng Santo Tomas. Kakambal din nitong palilitawin ni Rizal angiba't uri ng mga mag-aaral sa UST at ang kanilang mga taglay na ugali sa pag-aaral partikular ang isang estudyante ng UST na kamumuhian ng mga mambabasa - si Juanito Pelaez.
PAKI-CLICK ANG LINK PARA SA KABUUAN NG PAG-AARAL NG KABANATA 12
PAKI-CLICK ANG LINK PARA SA KABUUAN NG PAG-AARAL NG KABANATA 12
Subscribe to:
Posts (Atom)