Handa ka bang makipag-sugal sa mga Diyablo?
Pansinin ang mga usapan sa lamesa ng sugalan sa bahay bakasyunan ng Kapitan Heneral sa Los Banos.
PAKI-CLICK ANG LINK NA ITO PARA SA KABUUAN NG PAG-AARAL SA KABANATA 11
Friday, September 9, 2011
KABANATA 10 - KAYAMANAN AT KARALITAAN
Makikita rito ang kalupitan ni Rizal ng pinaglagyang dako na kagaganapan ng kabanatang ito; Sa pagitan ng SAN DIEGO at TIYANI. Sa pag-aaral sa Noli Me Tangere: Deciphered (kabanata 2) ay nilinaw ng nagsasaliksik na hinango ni Rizal ang pangalan ng san Diego sa isa sa bastion ng Intramuros na nakaharap sa Luneta at naging saksi sa mga naganap na pagbitay sa mga nakalaban ng kolonyal na pamahalaan ng Espanya sa Pilipinas.
Ang pangalan ng Tiyani bilang isang bayan ay hinango ni Rizal sa isang instrumento na ginagamit sa pagbunot ng balahibo na nakatanim sa balat.
PAKI-CLICK ANG LINK NA ITO PARA SA KABUUAN NG PAG-AARAL SA KABANATA 10

KABANATA 9 - SI PILATO
Pilato - pinaniwalaang nanungkulan bilang gobernador Romano sa Judea (na noon ay sakop ng Imperyo Romano), nagkaroon ng immortal na katanyagan sa kasaysayan dahilan ginawa niyang paraan ng paglilitis sa kaso ni Jesucristo. Ito ay nang ipaubaya niya sa nagkakagulong mga tao (mob) ang kapasiyahan ukol sa kamatayan ni Jesus. Pagkatapos na magpasya ng kamatayan ang nakakarami sa nagkakagulong mga tao ay naghugas ng kamay si Pilato, upang huwag siyang sisihin sa masamang naganap kay Jesucristo. Ang kabanatang ito ay tumutukoy sa paghuhugas ng kamay ng mga tao na maaring masisi sa naging kasawian ng pamilya ni Kabesang Tales.
DITO AY MAKIKITA ANG TALAS AT TALIM NG PANULAT NI RIZAL ² Pinaghugas niya ng
kamay ang ilang tauhan, SUBALIT IPINAKITA NIYA ANG PUTIKANG KAMAY NG MGA TAONG NAGDULOT NG KASAWIAN sA PAMILYA NI KABESANG TALES.
PAKI-CLICK ANG LINK NA ITO PARA SA KABUUAN NG PAG-AARAL SA KABANATA 9
Thursday, September 8, 2011
KABANATA 8 - MAGANDANG PASKO
Kapansin-pansin na ang pasko bilang panahunan ay ginamit ni Rizal sa Noli
at Fili. Sa Noli ay inilarawan ni Rizal ang pinakamalagim na kabanata sa
Noche Buena ng Kapaskuhan kung saan ginawa niyang sinawi ang dalawang di-
malilimutang tauhan niya: Ang kamatayan ni Sisa at ni Elias sa matandang
libingan ng mga Ibarra sa San Diego.
Sa nobelang ito na ating pinag-aaralan ay ipapakita ni Rizal na ang
pinaniniwalaang ngmarami na araw ng kapanganakan ng manunubos ay
itinaon niya sa araw ng pagka-alipin ng isang sawing tauhan sa nobela na si Juli.
PAKI-CLICK ANG LINK NA ITO PARA SA KABUUANG PAG-AARAL NG KABANATA 8

KABANATA 7 - SI SIMOUN
Sa kabanatang ito ay pinagtagpo ni Rizal ang kaniyang dalawang tauhan na si Simoun at Basilio sa magkatulad na panahunan (Noche Buena ng Kapaskuhan) at pook (sa libingan ng mga Ibarra at ni Sisa). Sa pagtatagpong ito ay ipinakilala ni Rizal ang transpormasyon ni Ibarra bilang Simoun at sa pamamagitan ng pakikipag-usap nito kay Basilio ay inilitaw ni Rizal ang ideyang pampolitika ng kaniyang pangunahing tauhan.
Marami ang nagtatanong, kung ang mga ideya na binanggit ni Simoun sa kabanatang ito - ANG TUNAY NA IDEOLOHIYA NI JOSE RIZAL. Basahin at alamin.
PAKI-CLICK ANG LINK NA ITO PARA SA KABUUAN NG PAG-AARAL SA KABANATA 7

Wednesday, September 7, 2011
KABANATA 6 - SI BASILIO
Sa Noli Me Tangere iniwan ni Rizal ang kaniyang tauhan na si Basilio sa panahon ng noche buena na nasa gitna ng isang ganap na kalungkutan dahilan sa pagpanaw ng ina nito na si Sisa. Sa kabanatang ito ay ipagpapatuloy ni Rizal ang naging kahantungan ni Basilio na tumakas ng San Diego para magtungo sa Maynila, kung saan sa mga unang araw ay naging isang busabos sa lansangan, hanggang makita ni Tiya Isabel at ampunin ni Kapitan Tiyago.
Ipinakita ni Rizal ang ginawang pagsisikap ng isang batang lalawigan, na unti-unting umangat upang maging isang prominenteng estudyante ng medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas. Sa noche buena ng Kapaskuhan, si Basilio ay lihim na nagtungo sa libingan ng kaniyang ina sa lupa na dating pag-aari ng mga Ibarra. Dito niya matatagpuan ang isang matagal na katanungan sa lihim na kaniyang iniingatan.
PAKI-CLICK PO ANG LINK NA ITO PARA SA KABUUAN NG PAG-AARAL SA KABANATA 6

KABANATA 5 - NOCHE BUENA NG ISANG KUTSERO
Ang kutsero ng San Diego ay isa sa mga hindi halos kilalang tauhan na nilikha ni Rizal. Subalit sa pamamagitan ng kabanatang ito na nilikha ni Rizal ay makikita ang pagsasalaysay ni Rizal sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga mga tauhan ng mga MALULUPIT NA REGALO, na kaniyang itinataon sa noche buena ng kapaskuhan.
PAKI-CLICK PO ANG LINK PARA SA KABUUAN NG PAG-AARAL SA KABANATA 5
PAKI-CLICK PO ANG LINK PARA SA KABUUAN NG PAG-AARAL SA KABANATA 5
KABANATA 4 - KABESANG TALES
Si Kabesang Tales ay isa sa mga naging imortal na tauhan na nilikha ni Rizal sa El Filibusterismo. Ang kaniyang buhay ay ginugol niya sa kasipagan at pagsisikap na nakapako sa pagbibigay ng maayos na buhay para sa kaniyang dalawang anak na sina Tano at Juli. Sa kabila ng mga pagsisikap na ito, si Kabesang Tales ay naging biktima ng mga ganid na korporasyong relihiyoso na naghangad na mapasakanila ang lupang sinasaka nito.
Ang Kabanatang ito ay naging mahalaga, dahilan sa ipinakita rito ni Rizal ang paglikha ng isang rebelde na sa kabila ng pagiging mahinahon at mahina ay humamon sa kapangyarihan ng Espanya.
PAKI-CLICK PO ANG LINK PARA KABUUAN NG PAG-AARAL SA KABANATA 4

Tuesday, September 6, 2011
KABANATA 3 - ANG MGA ALAMAT
Si Simoun sa (Kabanata 1) ay nasa itaas ng kubyerta at bumaba sa kinaroroonan nina Isagani at Basilio (Kabanata2). Sa kaniyang muling pagbabalik sa itaas (Kabanata 3) ay natagpuan niya ang mga tauhan na nagkukuwentuhan ukol sa mga alamat.
Mga alamat na kapag naunawaan ninyo ay magkakaroon kayo ng panibagong pananaw kung papaanong sa mga talakayan ng alamat ay nagawa ni Rizal na ilantad ang mga lihim ng kolonyal na estado at simbahan.
PAKI-CLICK ANG LINK NA ITO PARA SA KABUUAN NG PAGAARAL SA KABANATA 3

KABANATA 2 - SA ILALIM NG KUBYERTA
Sa pamamagitan ng paglalarawan ni Rizal sa kalagayan ng mga pasahero
sa ibaba ng kubyerta ay naipakita ni Rizal ang hindi konbinyenteng
kalagayan ng mga tao na kabilang mababang istrata ng lipunan. Ipinakita
ni Rizal sa ilalim ng kubyerta ang ilang mga masasamang kahiligan ng mga
Pilipino na kaniyang ipinapupuna sa kaniyang mga mambabasa.
Subalit, sa kabila na ang ilalim ng kubyerta na kinaipunan ng mga nasa mababang uri ay pinalitaw naman sa lugar na ito ang tatlong mahalagang tauhan ng El Filibuesterismo na kaniyang pagagalawin sa nobela - Sina Padre Florentino, Isagani, at Basilio.
PAKI-CLICK PO ANG LINK NA ITO PARA SA KABUUAN NG PAG-AARAL SA KABANATA 2

KABANATA 1 SA ITAAS NG KUBYERTA
Sa Kabanata 1 (Isang Pagtitipon) ng Noli Me Tangere ay nagawa ni Rizal na ipunin ang ilang mga mahalagang tauhan ng nobela sa unang kabanata pa lamang at matalakay ng pahapyaw ang basehang suliranin na iikutan ng kaniyang nobela.
Sa Kabanata 1 ng El Filibusterismo ay inipon ni Rizal ang kaniyang magiging pangunahing tauhan sa nobelang ito sa pamamagitan ng isang bapor na sa mismong pagsasabi ni Rizal ay larawan ng kolonyal na estado ng kaniyang kapanahunan. Ang itaas ng kubyerta ay ang mga tauhan na nagtataglay ng kapangyarihan sa kolonyal na pamahalaan at simbahan, na rito ay ipinakita ni Rizal sa mga usapan ang mga kapakanan/interest ng mga naghaharing uri na binalutan naman niya ng maskara ng katatawanan upang palambutin ang subersibong elemento ng kaniyang paglalarawan.
PAKI-CLICK PO LINK NA ITO PARA SA KABUUAN NG PAG-AARAL SA KABANATA 1

ANG PAGHAHANDOG NG EL FILIBUSTERISMO
Ang nobelang El Filibusterismo ay inihandog ni Jose Rizal para sa tatlong paring martir na sina Burgos, Gomez, at Zamora. Ang katotohanan, ang ginawa niyang paghahandog ng nobela sa GOMBURZA ay isa nang hayagang hamon ni Rizal sa kolonyal na pamahalaan, sa dahilang ang pagbanggit lamang sa pangalan ng tatlo ay maituturing ng isang krimen sa kapanahunang iyon.
Inaanyayahan ko po ang mga mambabasa na basahin ang bahaging ito ng nobela na nilagyan ko ng anotasyon sa talababa/footnote sa bawat pahina.
paki-click lang po ang link na ito para sa kabuuan ng pag-aaral.

Subscribe to:
Posts (Atom)